“He restoreth my soul: he leadeth me in the paths of righteousness for his name’s sake.” KJV — Psalm 23:3
“Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.” KJV — Psalm 23:3
“These are precious words. We are adopted into the family of God. We are to be His peculiar people. Those who mingle with worldlings should make special efforts to win them to Christ. We should seek by much prayer for wisdom to speak to those who are ignorant of their duty to God, ignorant of the word of the Lord. But when we find that we cannot lift them out of their sin, or awaken in their hearts a desire to be saved in the Lord’s appointed way, then if we choose their society we become one with them. Christ is as the vine to all who choose to be united with Him. He feeds and nourishes the soul. ‘He restoreth my soul and leadeth me in the paths of righteousness, for his name’s sake. [Psalm 23:3.]’” 13LtMs, Lt 58, 1898, par. 22
“Ito ay mga mahahalagang salita. Tayo ay inampon sa pamilya ng Panginoon. Tayo ay dapat na maging bayang pag-aaring sarili ng Diyos. Yaong mga nakikisalamuha sa mga nasa mundo ay dapat magsigasig na madala sila kay Cristo. Tayo ay dapat magsaliksik sa panalangin na tayo ay pagkalooban ng katalinuhan sa ating pakikipagusap sa mga walang nalalaman ukol sa tungkulin sa Diyos, walang nalalaman ukol sa salita ng Diyos. Ngunit kung ating malaman na sila ay hindi natin maiaalis sa kanilang mga pagkakasala, o magising sa kanilang puso ang naisin na magkamit ng kaligtasan sa paraan ng Diyos, at pinili pa rin nating makasalamuha sila ay nagiging kaisa nga tayo sa kanila. Si Cristo ang puno ng ubas sa lahat ng pipiling maging kaisa sa kaniya. Siya ang magpapakain at magbibigay sustansya sa kaluluwa. “Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.” [Psalm 23:3.]’” 13LtMs, Lt 58, 1898, par. 22
What do you learn about the Shepherd from each of the following verses?
Ano ang iyong natutunan ukol sa pastor buhat sa mga sumusunod na talata?
Isa. 40:11 - This care over His people is to be felt when His arm rules for Him. He shall then take charge of His work, and of His people, as a shepherd takes charge of a flock. He shall exercise personal care over all, old and young alike.
Isa. 40:11 Ang pangangalagang ito sa bayan ay mararamdaman kapag ang Kaniyang mga kamay ang nanguna sa kanila. At kaniyang gagampanan ang Kaniyang gawain at ang Kaniyang bayan gaya ng isang pastor na nangangalaga sa kawan. Siya ay makikitaan ng personal na pangangalaga sa lahat, matanda at bata.
John 10:14-16 - The ancient shepherd had to give a complete account of the flock, even to the smallest details. Do you think God will require less of you? Are not His sheep of much greater value? David risked his life for a lamb, but God delivered him from the lion and the bear. David, for God’s honor, and for the safety of His people, endangered his own life, faced the Giant Goliath, but God delivered the Philistine into David’s hands, and made David king over His nation. Do you think He will do less for you, if you, too, imitate the Good Shepherd?
John 10:14-16 – Ang sinaunang pastor ay kinakailangang magbigay ng kumpletong paliwanag o kaalaman ukol sa kawan, maging sa pinakamaliit na detalye. Iniisip mo ba na hindi iuutos ng Diyos ang ganoon ding bagay sayo? Hindi ba mas mahalaga ang Kaniyang tupa? Maging si David ay itinaya ang buhay para sa tupa, ngunit ang Diyos ang nagligtas sa kaniya buhat sa leon at oso. Si David, para sa karangalan ng Diyos at kaligtasan ng Kaniyang bayan, ay inilagay ang sariling buhay sa panganib at hinarap ang higanteng si Goliath, ngunit ang Diyos and nagdala sa mga Filisteo sa kaniyang mga kamay at itinalaga siya bilang hari ng Kaniyang bayan. Iniisip mo ba na hindi niya magagawa ang ganoon ding bagay sa iyo, kung inyong gagayahin ang mabuting pastor?
Now turn to Psalm 23. What does the Shepherd do to care for His sheep?
Tumungo naman tayo sa Mga Awit 23. Ano ang ginagawa ng pastor para pangalagaan ang Kaniyang tupa?
“Jesus is the good Shepherd. His followers are the sheep of His pasture. A shepherd is always with his flock to defend them, to keep them from the wolves, to hunt up the lost sheep and carry them back to the fold, to lead them beside green pastures and beside living waters. LHU 215.3
“Si Jesus ang mabuting pastor. Ang Kaniyang mga tagasunod ay ang mga tupa sa Kaniyang pastulan. Ang pastor ay palagiang nasa piling ng kaniyang kawan upang ipaglaban sila at protektahan buhat sa mga lobo, upang hanapin ang nawawalang tupa at buhatin sila pabalik sa kawan, gabayan sila tungo sa luntiang pastulan at sa paligid ng buhay na tubig. LHU 215.3
“I cannot neglect the great salvation that has been brought to me at such an infinite cost to my heavenly Father, who “so loved the world that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.” I will not dishonor my Redeemer to lightly esteem His sufferings, His trials, His condescension, His sacrifice, His death, because He so loves us, He would Himself become our sin-bearer. Oh, what love, what inexpressible love! He became a man of sorrows, acquainted with grief. He died on the cross [as if He were] a transgressor, that man might be justified through His merits....” LHU 215.4
“Hindi ko pababayaan ang dakilang kaligtasan na ipinagkaloob sa akin mula sa walang hanggang kabayarang ibinigay sa Ama sa langit, na “nagsinta sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Hindi ko bibigyang kahihiyan ang aking Tagapagligtas sa pagwawalang halaga sa Kaniyang paghihirap, sa Kaniyang mga naging pagsubok, Kaniyang mga pagpapakababa, mga sakripisyo, sa Kaniyang kamatayan sapagka’t minahal Niya tayong lahat na Siya mismo ang nagbata ng ating kasalanan. O anong pagibig na hindi matatawaran! Siya ay naging isang tao sa kapanglawan at bihasa sa karamdaman. Siya ay namatay sa krus (na parang) isang makasalanan upang ang tao ay maaring ganap sa pamamagitan ng Kaniyang merito…” LHU 215.4
Identify from Psalm 23 the locations that David sees the sheep passing through when following the paths of righteousness as they make their way to the house of the Lord?
Alamin buhat sa aklat ng Mga Awit 23 ang mga lugar na nakita ni David na nilalakaran ng tupa tungo sa landas ng katuwiran sa kanilang paglalakbay tungo sa tahanan ng Diyos?
These words are an eternal expression of the Lord’s servant’s hope. David, the king of Israel, likening himself to a sheep with the Lord as his Shepherd, was able to look beyond the mysteries of this mortal life with its uncertainties into the future, and with unmistakable clearness was able to say, “yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil.” Why?
Ang mga salitang ito ay walang hanggang pagpapahayag ng pag-asa para sa mga lingkod ng Diyos. Si David, na hari ng Israel, sa paghahalintulad sa sarili sa isang tupa at sa Diyos bilang kaniyang pastor ay nakaunawa sa misteryo ng mortal na pamumuhay na ito na walang katiyakan sa kinabukasan at sa hindi mapagaalinlanganang kaliwanagang ito ay nasabi: “Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan.” Bakit?
Because the Lord was his Shepherd; and the Shepherd’s Rod and His staff, comforted him. And he had the assurance and was well able to declare that he would dwell in the house of the Lord, his Shepherd, forever.
Sapagka’t ang Diyos ang kaniyang Pastor at ang kaniyang pamalo at ang tungkod, ay nagsisialiw sa kaniya. At siya ay mayroong katiyakan at may kakayahang ihayag na siya ay mananahan sa tahanan ng Diyos, na kaniyang Pastor, magpakailanman.
To know all this is to know the Lord our righteousness; that if He is for us then no one can win a thing against us; that the battle is the Lord’s; that we have no need to fear our enemies; that whatever we do shall prosper regardless who is for or against us.
Ang pagalam sa mga bagay na ito ay pagalam din sa katuwiran ng Diyos; na kung Siya ay sasaatin ay walang sinuman ang makalalaban sa atin; na ang labanan ay hawak ng Diyos, na hindi tayo dapat matakot sa mga kalaban; na ano man ang ating gawin ay lalago sinuman ang para o laban dito.
How do you think the sheep ended up in the valley?
Sa iyong palagay, paano humantong ang tupa sa libis?
“Satan is our destroyer, but Christ is our restorer. We must put faith into constant exercise, and trust in God, whatever our feelings may be. Isaiah says: “Who is among you that feareth the Lord, that obeyeth the voice of his servant, that walketh in darkness, and hath no light? let him trust in the name of the Lord, and stay upon his God.” You can say with the psalmist, “Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil: for thou art with me; thy rod and thy staff they comfort me. Thou preparest a table before me in the presence of mine enemies: thou anointest my head with oil; my cup runneth over. Surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life: and I will dwell in the house of the Lord forever.” “Believe in the Lord your God, so shall ye be established; believe his prophets, so shall ye prosper. And when he had consulted with the people, he appointed singers unto the Lord, and that should praise the beauty of holiness, as they went out before the army, and to say, Praise the Lord; for his mercy endureth forever. And when they began to sing and to praise, the Lord sent ambushments against the children of Ammon, Moab, and Mount Seir, which were come against Judah; and they were smitten.” “Unto you therefore which believe he is precious.” Consider the fact that the Lord has given his only begotten Son, ‘that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.’” RH May 19, 1896, par. 2
Si Satanas ang tagawasak at si Cristo ang tagapagpanumbalik. Dapat na patuloy na isabuhay ang ating mga pananampalataya at magtiwala sa Diyos, anuman ang ating mga damdamin. Sabi ni Isaiah: “Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios.” Iyo ding masasabit sa mangaawit, “Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan. Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.” “Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo. At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. 22At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan.” “Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga.” Alalahanin na ibinigay ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak, na sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” RH May 19, 1896, par. 2
What type of enemies have you had in your life?
Anong uri ng kaaway ang naranasan mo sa iyong buhay?
“Constantly exercise faith. Trust in God whatever your feelings may be. “Who is among you that feareth the Lord, that obeyeth the voice of His servant, that walketh in darkness, and hath no light? let him trust in the name of the Lord, and stay upon his God.” Let him say with the psalmist, “Yea, tho I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; for Thou art with me; Thy rod and Thy staff they comfort me. Thou preparest a table before me in the presence of mine enemies; Thou anointest my head with oil; my cup runneth over. Surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life; and I will dwell in the house of the Lord forever.” ST September 2, 1903, par. 4
Patuloy na isabuhay ang pananampalataya. Magtiwala sa Diyos anuman ang ating damdamin. Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios.” “Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan. Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.” ST September 2, 1903, par. 4
“Do not think that because you have sinned, you must always be under condemnation. When the tempter tells you that your sins are so great that you have no right to claim the promises of God, say, “It is written, ‘Tho your sins be as scarlet, they shall be as white as snow;’ and ‘If we confess our sins, He is faithful and just to forgive us our sins, and to cleanse us from all unrighteousness.’” ST September 2, 1903, par. 5
“H’wag isipin na dahil ikaw ay nagkasala ay palagian ka ng mapapasailalim ng kahatulan. Kapag sinabi ng kaaway sa iyo na ikaw ay lubhang makasalanan na ikaw ay walang karapatan sa pangako ng Diyos, iyong sabihin: Nasusulat, “bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe,” at kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” ST September 2, 1903, par. 5
What two things does David say in Psalm 23:6 that he is certain of?
Ano ang dalawang bagay na sinalita ni David sa Mga Awit 23:6 ng may katiyakan?
“Christ has given us no assurance that to attain to perfection of character is an easy matter. It is a conflict, a battle and a march, day by day. It is through much tribulation that we enter the kingdom of heaven. In order to share with Christ in His glory we must share in His suffering.... He has overcome for us. Shall we, then, be timid and cowardly because of the trials that we meet as we advance? ... SD 198.2
“Hindi binigyang katiyakan ni Cristo na ang pagpdadalisay ng karakter ay isang madaling bagay. Ito ay isang tunggalian, isang labanan at lakarin sa araw-araw. Sa pamamagitan ng kapighatian, tayo ay makapapasok sa kaharian ng langit. Upang makasalo tayo kay Cristo sa kaluwalhatian ay kailangang makasalo din tayo sa Kaniyang paghihirap…Siya ay nakapanagumpay para sa atin. Tayo ba ay magiging mahiyain at duwag dahil sa mga pagsubok na ating kakaharapin sa ating pagsulong?... SD 198.2
“When we have a deeper appreciation of the mercy and loving-kindness of God, we shall praise Him, instead of complaining. We shall talk of the loving watchcare of the Lord, of the tender compassion of the Good Shepherd. The language of the heart will not be selfish murmuring and repining. Praise, like a clear, flowing stream, will come from God's truly believing ones. They will say, ‘Goodness and mercy shall follow me all the days of my life: and I will dwell in the house of the Lord for ever.’” ... SD 198.3
“Kung tayo ay magkakaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa awa at mapagmahal na kabaitan ng Diyos, Siya ay dapat nating papurihan sa halip na magreklamo. Tayo ay dapat mangusap ukol sa mapagmahal na pagiingat ng Diyos, sa pakikiramay ng Mabuting Pastor. Ang wika ng puso ay hindi magiging ukol sa mga makasariling pagbubulung-bulong at pagrereklamo. Ang papuri, na gaya ng malinaw na dumadaloy na batis, ay magmumula sa mga totoong nananampalataya sa Diyos. Kanilang sasabihin, “kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.”… SD 198.3
“We must put faith into constant exercise, and trust in God whatever our feelings may be. Isaiah says, “Who is among you that feareth the Lord, that obeyeth the voice of his servant, that walketh in darkness and hath no light? Let him trust in the name of the Lord, and stay upon his God.” [Isaiah 50:10.] You can say with the Psalmist, “Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil: for thou art with me; thy rod and thy staff they comfort me. Thou preparest a table before me in the presence of my enemies: thou anointest my head with oil: my cup runneth over. Surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life, and I will dwell in the house for ever.” [Psalm 23:4-6.] 10LtMs, Lt 26, 1895, par. 18
Dapat na patuloy na isabuhay ang ating mga pananampalataya at magtiwala sa Diyos, anuman ang ating mga damdamin. Sabi ni Isaiah: “Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios.” [Isaiah 50:10.] Iyo ding masasabit sa mangaawit, “Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan. Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.” [Psalm 23:4-6.] 10LtMs, Lt 26, 1895, par. 18
“‘Believe in the Lord your God, so shall ye be established; believe his prophets, so shall ye prosper. And when he had consulted with the people, he appointed singers unto the Lord that they should praise the beauties of holiness, and they went out before the army, and said, Praise the Lord: for his mercy endureth for ever. And when they began to sing and to praise, the Lord sent ambushments against the children of Ammon, Moab, and Mount Seir, which were come against Judah, and they were smitten.’ [2 Chronicles 20:20-22.] ‘Unto you therefore which believe he is precious.” [1 Peter 2:7.] Consider the fact that the Lord has given his only begotten Son, “that whosoever believeth in him, should not perish, but have everlasting life.’” [John 3:16.] 10LtMs, Lt 26, 1895, par. 19
“Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo. At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. 22At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan.” [2 Chronicles 20:20-22.] “Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga.” [1 Peter 2:7.] Alalahanin na ibinigay ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” [John 3:16.] 10LtMs, Lt 26, 1895, par. 19